organisadong kaguluhan.
hindi ko alam. ikaw ba? alam mo?
syempre hindi rin.
pero kung alam mo, paliwanag mo sa kin a.
parang ayoko na. pero parang hindi.
pero parang medyo. na oo. na hindi.
basta ang sigurado lamang eh muling magulo
ang isipan ko. at diwa.
akala ko, ayos na ko. akala ko lang pala.
may mali pa rin pala ata.
pero bakit hindi ako kreatib?
wala akong maisuka / maitae na may kwenta..?
"creative minds are rarely tidy,
rarely remembering, always forgetful" sabi ni selika.
o baka kreatib ako, tamad lang akong gawing konkreto
ang mga abstraktong naiisip.
hindi maaring matapos ang araw na ito
nang hindi humahalik ang dulo ng lapis
o bolpen ko sa malinis at walang muwang na papel.
tuloy ang produksyon.
sana eh magkadaupang-palad muli kami
ni nikki... o ni aron... o ni...
ii. eskapist mode
gusto kong dumiskonek sa lahat.
as in sa lahat ha. tapos poof..!
hmphfft..! nauumay na ko sa ganto.
ilang ulit ko na to naramdaman.
na gusto kong maglaho bigla.
para solb. para walang tunggalian.
pero syempre dehins pwede.
i think therefore you are.
i cease to exist thereafter.
anlabo. anggulo mo eh. tsk.
[hindi to tula ha. ang chaka naman kung tula to.
nagmomoda lamang.]










--
Let's put art back in context.
--
Let's put art back in context.
hope to see more from you hehe apir!
--
I have great faith in fools. I call it self-confidence.
Previous Page12Next Page